Baka Pilipino ‘Yan

ni CHERRY SIBAYAN

Pamilya? ‘Yan yung simula pagkabata kasama mo na. Yung mas kilala ka higit sa kahit sino pa man. Yung kahit mag-away-away kayo, yung pagmamahal hindi magbabago. Yung kahit anong pagdaanan niyo, mas tumitibay ang pagsasamang binuo. Yan ang pamilya – PAMILYANG PILIPINO.

Kilala naman talaga ang mga Pilipino sa pagiging sobrang mapagmahal sa pamilya. Family-oriented kumbaga. Siguro dahil pamilya ang bumuo at patuloy na bumubuo sa pagkatao natin. Sila yung malalapitan natin sa tuwing parang iniwan na tayo ng lahat. Mga taong tanggap ka, maging sino ka man. Mga kadugong hindi lang sa apelyido kapareho, pero pati sa puso, buong-buo ang pagkakakilala sa’yo.

Sa lahat siguro ng mga katangiang likas na sa’tin, ‘yan ang pinakamasarap ipagmalaki. Hindi naman sa pagkukumpara, pero kung titingnan sa ibang bansa, tayo’y ibang-iba. Mapagmahal, maaruga at tiyak namang tapat sa’yo bente-kwatro oras ng magpakailanman. Pero bukod sa ating mga sariling pamilya, mayroon pang isang mas malaking pamilyang palaging handang kumalinga – ang bansang Pilipinas.

Pilipinas ang pagkakakilanlan natin. Dito tayo nakatira, dito tayo lumaki. Pilipino ang tawag sa atin. Iisa ang tabas ng mukha, nananalaytay ang dugong mandirigma. Ipaglalaban ang pagiging Pilipino kahit saan, kahit kanino. Yan ang pamilya ko, pamilya mo, magkakapamilya tayo.

‘Yan ang isa pa sa mga nakatutuwa sa ating mga Pilipino. Saan man tayo mapunta, babalik at babalik tayo dito. Kasi iba talaga pag nasa Pilipinas ka e, at home na at home ang dating! Sabi nga nila, “There’s no place like home.” Siyang tunay nga naman. Dahil dito, sama-sama tayo sa hirap at ginhawa. Mapasaan ka man magpunta, dito’y may babalikan ka. Hindi ka itatakwil tulad ng sarili mong pamilya, puso’t dugo niyo’y iisa. Ang sarap ipagmalaki, hindi ba? BAKA PILIPINO YAN! =)

 

che2

Piyesta!  J Salo-salo, sama-sama. Pagluluto ng maramihan, pagkain nang sabay-sabay. Ang saya-saya, hindi ba?

che3

“Hawak kamay, di kita iiwan sa paglalakbay… sa mundo ng kawalan.” Habangbuhay hindi mapaghihiwalay, hawak kamay sa bawat unos ng buhay.

che1

Ipinintang pagmamahal. Pamilyang Pilipino – magkakasama, nagmamahalan, buo. Napakamakulay nga naman ng buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s